Nag-aaral si Pedro sa La Salle. Ang dami nyang kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa.  Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.
Isang araw na-ospital ang ama ni Gilbert. Sinamahan siya ni Pedo na dumalaw. Nasa ICU na noon ang ama ni Gilbert dahil sa stroke. Naroon din ang ilan sa kanilang malalapit na kamag-anak. Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan…. hindi sila maintindihan ni Pedro. Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi.  Naiwan si Pedro at napakiusapang bantayan ang pasyente habang inihahatid ni Gilbert ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat si Pedro sa gawing kaliwa ng kama ng pasyente para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag na ni Pedro ang mga gamit ay biglang nangisay ang matanda.
Hinahabol nya ang kanyang hininga… Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi naman ni Pedro maintindihan. “Di ta guae yong khee”….. “Di ta guae yong khee”… “Di ta guae yong khee”.. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.
Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama.  Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang
kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing niyang pagluha. Nagpa-alam muna si Pedro, dahil siguradong magdadatingin uli ang mga kamag-anak ni Gilbert. Sumakay sya ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan nya ang iba pa nilang kabarkada. Una nyang tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong nya muna kung ano ang ibig sabihin ng “Di ta guae yong khee”.
“Huwag mong apakan ang oxygen. “… “Bakit saan mo ba narinig ‘yan?”.
Tags: joke, pinoy jokes